Thursday, February 26, 2015

Balance Sheet by Dyosamaldita

Originally posted on my previous blog (www.aishiteruhachi.blogspot.com) at April 12, 2012. 


Hello. I have been reading Balance Sheet for FIVE DAYS na and I must say na enjoy aketch basahin. Naenganyo lang naman ako ng mga friends ko na magbasa nun. Kaya ayun, naadik na. :) Before I start I would like to remind you something: Hindi ako ganun kaayos magexplain so sana magets niyo ang pinopoint out aketch. I'm speaking in a conyo language. Nabuhay si Yumi sa brainlaloo ko. Hahah Comment to pero mahaba! Hahahaha. Magbasa lang! 


-------------------------- 

Balance Sheet written by DyosaMaldita (c) 2012 

I've been talking to Ate DyosaMaldita since nung isang araw. And all I can say to her work is 'WHOA.' Her story may be a cliche of college drama pero ang husay ng pagkakagawa niya ng twist and turns sa character, sa plot and everything. Hands down me. Applause pa! **\(^o^)/** 




Hindi ko maicompare ito sa SDTG which had been a legend sa CC and Wattpad. Well sa akin din, pero kabog na ng Balance Sheet. This story is so OSM. Hindi me maimagine kung how the author came up with this. I mean, ung flow kasi ng story niya talagang umikot dun sa main characters. Eh diba sa iba, well tulad nung sinusulat ko ngayon, nahihirapan akong magpaikot for my main characters kaya naman sobrang humanga ako sa kanya. Konti palang kasi ung nababasa kong mga story na nagawang paikutin ang plot nila sa lahat ng characters.

So okay, tunay nga talaga ung nakalagay sa profile niya na 'natural, original, twisted. read between the lines.' Dapat talaga habang nagbabasa ka, ireremember mo lahat ng infos, lahat ng gagawin ng character, lahat ng emotions and actions nila kasi dugtong lahat sila. OMG. At dun ako sobrang naloka! Kasi I'm not that good sa pagremember ng too much information pero grabe, habang binabasa ko ang story na 'to, parang nagfflashback ang mga pangyayari sa ibang chapters.

SCENES. Typical class, typical canteen moment, typical tambay moment. Ang sobrang inenjoy ko is the action parts. Well, I'm not a fan kasi of action movies/stories so hindi me masyadong magaling sa paganalyze ng ganun. Pero on my part, I was amazed by the way she tells it. Naenganyo tuloy me mag-Wushu ng wala sa oras. Hahaha.

EMOTIONAL STATUS. Ay dito ako mejo naloka. Different people kasi diba, so ibig sabihin different emotions din ang mangyayari sa kanila. Hindi ako nalabuan sa kanila. The characters expressed emotions clearly. Haha. Negets niyo? Anyway, moving forward, konti lang din talaga ung nakakapagpalabas ng sobrang emotion sa character na ginagawa niya. Minsan kasi hindi 100% ung paggive mo ng emotion dun sa ginagawa mo, pero sa kanya, OMG.

CHOICE. DESTINY. I clearly remember these parts. Pero konti lang ang sasabihin ko. Yung part where Yanna and Neal talked about it. Sino ba kasing tanga ang magmamahal ng taong may mahal ng iba or hindi ka kayang mahalin dahil sa responsibilities. Napaisip ako don. Oo nga, all my life kasi I believed na, lahat ng taong nagmamahal tanga, pero based on their POV, hindi naman lahat tanga. Yung iba pinipili nalang ung tama para iwasang maging tanga. They will choose to be free instead na may mahirapan pang iba.

Yen and Brendel moment sa Cebu. Lahat ng nangyayari sa buhay may reason. Pilit mang pigiliaan nina Yumi ang pag-alis ni Yen eh mangyayari at mangyayari ang dapat. Yen found herself with a stranger in the plane. Bakit sila pinagtagpo? Destiny. Meron na kasing plot ng story na nakasulat para sa atin. Di lahat nagkataon kundi lahat nakatadhana.

Argentum Bar kung saan nagusap sina Andrew, Toby, Kenneth, Thor, Trix-Tristan and Cymone about Tristan being a man or gay. Bakit siya naging bakla? Kasi un ang nakalakhan niyang environment. Maybe he had identity crisis (Erik Erikson) since the environment that he grew up was full of gays. Pero later on, naging man din siya kasi unti-unti nawala ung Animus sa sarili nia. Naglevel-up ulit ang Anima niya. Again why? Because he made a choice and destiny let it happened.

Finally, napagtalunan pa sa group ito eh. Which is which? Trix-Tristan? Yumi? Yen? Yanna? Mejo nagkaroon ako ng Identity Crisis for the past days na nagbabasa ako nito kasi almost all of them compromise some of my personality. Are you a Psychologist Ate Dyosamaldita? Hahaha

Anyway, inspired na to by Sweetie Kambal. Hi Sweetie!


I am Trixie (Tristan pag guy). Ang Echoserang Bakla. Babae ako, inside and out. Halata naman! Maarte ako pero di ung katulad kanya, mejo 80% lang?! Lol! I have a gay soul okay?! Walang kokontra, sasapatusin ko, nakasapatos aketch! Haha

I am Yen. Ang Mahinhing Santita. I also have two faces and only my true real friends lang nakakaalam which is true and which is fake. Totoo. I had problems getting friends kasi since lumipat kami ng place nung nagkahiwalay ang parents ko, so I have no choice but to do that. Coping mechanism ko kasi yun. Until College ganun pa din ako. Hindi ko alam kung nahalat ng new college friends ko un since transferee ako pero feeling ko nalilinlang pa din sila ng fake na ako. Hindi pa nila ako ganun kakilala. Hindi pa nila ako ganun kafeel para makasama everyday. Hindi ko pa sila madaldal nonstop. I also have my COE pero minsan ko nalang un i-apply. Haha

I am Yumi. Ang Estupidang Maldita. Hindi ako perpekto, hindi rin naman ako abnormal, just a simple person. She know everything. "I am Yumi Diaz, I know everything." Diba? Minsan may pagkastupid ako. And aminado ako, when it comes to my surrounding, alam ko lahat. Pero kapag sa sarili ko, minsan manhid ako and I fail to recognize some things na ako lang ang makakaalam. Naniniwala din ako sa Nature thing na yan. Hahah! mala-destiny ang peg!

And papanindigan ko talaga, isa talaga ung nagperfect fit sa akin.

I AM YANNA. Ang Sadistang Baliw and Modernong Malanding Sisa.Madalas kasi ako ung asarin ng mga kaibigan ko, pikon ko daw kasi at kapag napikon na, ayun Sadista na. Pero contrast to that, malambing naman ako. And madali akong magkagusto. LIKE lang naman. Madali din magfade. And to tell you honestly, may dumaang Miggs din sa buhay ko. Well, he may not love me back pero pinakita ko sa kanya na mahal ko siya un nga lang ibang tao ung meant for him. "Emotional Extrovert. Simpleng Moderna. Masayahin. Iyakin. Malaya akong kumikilos. Independent. At kahit saan mo ako ilagay na lugar o kahit kaninong tao mo ako isama, makaka-adapt ako. Madali akong maka-adapt sa changes. Mabilis akong makahanap ng mga kaibigan. Marunong akong makisama." It all explains my personality. Yanna na Yanna. Except for the habulin part. Hahaha. And wala akong Neal Ignacio as of the moment.

So yeah, Balance Sheet made an extraordinary mark not only on my mind but also to my heart.



xoxo,

Mira :)

No comments:

Post a Comment