Para sa mga taong naniniwala sa fairytales, oo. Kasi naniniwala silang ung Prince Charming nila ay nanjan lang. Hinahanap lang ung daan patungo sa kanila. At kapag nakilala na nila iyon, sila na forever. Ito ung mga taong hindi nawawalan ng pag-asa na dadating ung lalaking para sa kanila, hindi sila iiwan at sasaktan. Mamahalin sila 'til death do they part.
Para sa mga taong nasaktan na, hindi. Paano pa sila maniniwala sa happy ending kung naranasan na nila ung sad ending, diba? Hindi madaling maniwala sa happy ending kung naranasan mo nang masaktan kasi matatakot ka na. Matatakot magmahal, magtake ng risk, magsakripisyo at magtiwala. Mahihirapan na silang magmahal muli kasi nagkakaroon na sila ng standards or limitations sa taong mamahalin nila.
Ikaw ba, uso pa ba sayo ang happy ending?
No comments:
Post a Comment