08172015
Super biglaan lang din ng pagpunta ko dito. Niyaya ko lang nung gabi si Leslie na samahan ako. Buti nalang pumayag siya. Wala na din akong tulog kasi ang usapan namin ay 9AM sa may Q. Ave McDo. Kaso dahil sa sobrang traffic, pareho kaming dumating ng 10AM.
Nagbreakfast muna kami bago nagpunta sa warehouse. Pagdating namin dun, hindi ganun kadami ung tao. Pero wala na din sa ayos ung mga libro. :( Umikot-ikot kami, kuha nalang din kami ng kuha tapos tsaka titignan kung maganda or not.
By 1PM kailangan na niya umalis kaya naiwan nalang ako dun. Good thing nakameet ako ng mga ibang tao dun. Mejo maganda ung selections na nakuha ko. Dapat pala susundan mo ung mga naglalabas ng boxes ng books kasi halo-halo na talaga ung magagandang books.
Inabot din ako ng 5PM dahil sa mga libro. Nagsosort out na din ako eh. Sayang lang ung Rick Riordan books na tig-P50.00. Grabe talaga ung agawan kasi eh.
(Photo grabbed from Leslie's IG)
And these are the books na nabili ko. Buti nalang hinintay ako ni Mama nun sa office niya kundi struggle talaga ang pag-uwi ko. :)
No comments:
Post a Comment