I'm back, hopefully.
Ngayong ang simula ng Cinemalaya XI. Medyo disappointed ako dahil walang new full length films dahil daw may nangyaring issue last year. At kahapon ko lang nalaman ang kanilang Festival Pass ay para sa lahat ng films na ipapalabas ngayon. Medyo unorganized sila ngayong year na medyo nakakainis.
Muntik pa akong hindi matuloy dahil wala akong siguradong kasama. Pero natuloy pa din dahil maagang nakalabas sa klase ang aking kaibigan.
Ang opening ng Cinemalaya XI ay pinaganda pa lalo ng Phil. Harmonic Orchestra. Ang introduction film ay iba't-ibang mga film mula sa sampung taon ng Cinemalaya. Sana lang ay nagawa kong maumpisahan ang Cinemalaya dahil sa tingin ko ay magaganda ang lahat ng ito.
Anyway, ang kanilang opening film ay TAKLUB (TRAP) by Brillante Mendoza. It was a great film na ipinapakita ang naging buhay ng mga Pilipino matapos ang Yolanda. Ipinapakita dito ang mga pagbabago sa buhay nila at sa kanilang pamayanan. Madami mang namatay pero hindi sila nawalan ng pag-asa at patuloy na nanalig sa Panginoon. This film has its own kind of uniqueness dahil binigyan nila ng importansya ang kahalagaan ng pagtanggap at patuloy na pagpapanatili ng kanilang buhay kahit pa may mga trahedyang nangyari sa kanila.
The film ended with a lot of applause from its viewers.
Medyo epic fail lang yung katabi kong couple dahil si girl ay nakatuloy habang pinapalabas ang film at ang lalaki naman ay iniwan nalang siya sa loob. Matagal din bago kami umalis pero hindi na bumalik si guy para kay girl. HAHAHAHAHA
No comments:
Post a Comment