08-13-2015
Late na ako nakarating sa NBS dahil late na ako nakaalis ng bahay. Nagbus then MRT then tricycle ako papunta sa NBS. Mejo natraffic pa ako sa pagpunta ng warehouse dahil ang daming sasakyan sa dadaanan namin.
Pagdating ko don, nakapila daw yung mga kaibigan ko sa 3rd floor. Pinaakyat nila ako kaso may bantay na guard sa may escalator kaya di agad ako nakaakyat sa kanila. Nauna na silang nagikkt sa taas. Ang haba ng pila papuntang warehouse sa 4th floor. Naulan pa non kaya mejo haggard na itsura ko. After siguro mga 45 minutes, nakaakyat na din ako. Jampacked talaga yung lugar! Nakakaloka.
Pagakyat ko, nagulat ako kasi super daming tao. Siksikan na talaga sila. Kailangan magaling kang mag-ninja moves kundi hindi ka makakalusot sa pagiging super crowded nung place. Ang OA pa nung pila sa cashier kasi hindi na maayos ung pagpila nila.
Nagikot-ikot nalang kami, siksik dito, siksik doon. Naghablot nalang ako ng naghablot ng mga librong nakikita ko. Tsaka ko isosort kapag nasa counter na kami.
Tapos ung arrangement ng books, halo-halo na. Kailangan talaga ng matinding paghahanap para makakita ka ng magagandang novels. Mostly ng andun eh mga text books. May mga novels din kaso napagpiliian na.
Naung napagod ung mga kaibigan ko, sila na ung pumila para sa akin. Hahahah! Mukha na talaga sawa yung pila ng mga tao sa cashier. Luckily, hindi rin kami masyadong naghintay sa pila dahil nakahanap sila ng maikling line. Nakapagikot pa din ako at nakakuha ng mga books. :)
Thank you guys sa pagsama! :)
Ito yung mga nabili ko sa 1st day nila. Not much tulad ng iba dahil late na ako nakarating pero worth it namna yung P1500 ko. :)
No comments:
Post a Comment